2 dayuhang scuba divers, nalunod sa Subic

NAREKOBER NA ANG mga bangkay ng dalawang dayuhan na nag-scuba diving sa Subic Bay Free Port, sa Zambales, kamakalawa.

Sa ulat sa Camp Crame, huling nakitang buhay sina American Dive Master Steven Brittian, 47 taong gulang at Hong Kong resident Tin Shun, 30, noong Linggo ng hapon.

Nag-scuba diving ang dalawa kasama ang isa pang Chinese na si Chow Fong Lung para makita ang wreckage ng barkong USS New York.

Sa salaysay ni Chow, paahon na sila nang senyasan siya ni Brittian na mauna na dahil naiwan pa si Tin sa shipwreck subalit hindi na nakabalik ang dalawa. Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa aksidente. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “2 dayuhang scuba divers, nalunod sa Subic

Leave a Reply

Your email address will not be published.