2 Dayuhan, dinukot

DALAWANG DAYUHAN ang dinukot ng mga hindi pa nakilalang grupo sa Tawi-Tawi, kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Ewold Horn, 52, ng Holland; at Lorenzo Vinciguerre, 47, ng Switzerland.

Nabatid na kasama ring dinukot ang mga Pinoy na sina Ivan Sadinas, 35 at ang municipal councilor na si Nestor Cobarubias subalit nakatakas.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa Sitio Luukluuk, Barangay  Paranga, Panglima Sugala, Tawi-Tawi.

Nabatid na armado ng armalite at kalibre .45 ang limang salarin na gumamit ng puppet type na bangka.

Ang mga biktima ay bird watchers at dalawang linggo nang namamalagi sa nasabing lugar.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.