2 Dalagita, tinangay ng ilog

NALUNOD ANG DALAWANG teenagers sa ilog sa Victorias City, Negros Occidental.

Dead on arrival sa Ikaayong Lawas Clinic ang magka-klase na sina Marycris Torres Libunao at Mary Jill Hardio Gumban, kapwa 14 na taong gulang.

Pauwi na ang dalawa kasama ang iba pa nilang kaklase nang magkaayaan na maligo sa ilog sa Barangay 10 sa naturang lungsod.

Gayunman, pagsapit sa malalim na bahagi ng ilog ay tinangay sina Libunao at Gumban ng malakas na agos.

Tumagal pa ng ilang oras bago narekober ang bangkay ng dalawa.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.