2 Dalagita, Naisalba sa Bahay-Aliwan

NAILIGTAS NG mga pulis ang dalawang dalagita na ipinasok sa bar upang maging Guest Relation Officer sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng gabi nang lusubin ng mga pulis ang Mono-Mono Restobar sa Rizal Avenue St., Tonsuya ng lungsod, kung saan nakuha ang mga biktima na edad 16 at 17.

Isinama ng mga pulis ang dalawang dalagita kasama ang may-ari ng bar na si Cese Manalaysay, 33, at sampahan ng kasong paglabag sa Human Trafficking Act of 2000.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.