2 Dalagang Salisi, Tiklo

HULI ANG dalawang dalaga nang salisihan ang isang matandang dalaga sa loob ng fast food chain sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Mary Dela Cruz, 38; at Queenie Montes, kapwa ng Pasay City.

Batay sa ulat, alas-6:30 ng gabi, pumasok upang bumilli ng makakain si Corazon Corpuz, 40, sa Jollibee sa Rizal Avenue Ext., ng lungsod at inilapag ang bag sa lamesa.

Kinuha ng mga suspek ang bag subalit napansin ng ibang kostumer na naging dahilan upang habulin sa labas ang mga suspek at madakip kung saan nabawi ang bag ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.