2 dalagang pranses, hinoldap na, hinipuan pa

HINOLDAP NA, PINAGHIHIPUAN pa ang dalawang dalagang French national ng dalawang hindi pa nakikilalang mga lalaki na pumasok sa bahay ng mga una sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang mga biktimag sina Miriam Desprets, 23; at Laure Pezard, 23, mga Missionaries at kapwa ng C-3 Rd., ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-3 ng umaga, nagising na lang ang mga biktima nang maramdaman na nasa tabi na nila ang mga suspek sa loob ng kuwarto habang hawak ang mga patalim.

Kinuha ng mga suspek ang pera, alahas, cellphone at kamera ng mga biktima.

Isa sa mga suspek ang humimas pa sa mga maseselang bahagi ng dalawang biktima bago nagsitakas.

Nagsadya naman sa presinto ang mga biktima upang magreklamo, kung saan nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.