2 Dalagang Nagpunta sa Spa, Himas ang Napala

DUMULOG AT nagreklamo sa Sta. Ana Police Station ang dalawang dalaga ma-tapos molestiyahin ng mga masahista sa pinuntahang spa.

Ang dalawa na kapwa 20 taong gulang na college student ay mga residente ng Gempesaw St., Barangay 26-C at ng Riverbed, Barangay 21-C Piapi, Boulevard, Davao City.

Napag-alaman na matapos ang kanilang pamamasyal at inuman, naisipan ng magkaibigan na tumuloy sa Daffodil Spa sa Barrio Obrero ng nasabing lungsod.

Napag-alaman na P300 pesos ang isang oras para sa buong katawang masahe.

Sinabi ng mga biktima na sina Dina at Sheena, himas at hindi masahe ang kanilang naranasan sa mga masahista ng naturang spa.

Samantala, mas lalong nagalit si Dina dahil pumatong ang lalaki sa kanya at tinangka umano siyang halikan.

Dahil na rin sa hindi masikmura ang ginagawa ng mga masahista, nanlaban na umano ang mga biktima at inireklamo sa mga awtoridad ang kanilang karanasan sa naturang spa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.