2 Chinese, Patay sa Lunod

PATAY ANG dalawang Chinese matapos malunod sa Miniloc Island Resort, El Nido, Palawan kamakalawa.

Sinabi ni Police Insp. Earl Marzo, tagapagsalita ng Palawan Provincial Police na unang nalunod si Mary Zi, 52-anyos alas-10:00 ng umaga.

Nakita na lamang umano ang biktima na lumulutang sa dagat at tinangka pang sagipin subalit binawian din ng buhay sa pagamutan.

Sumunod namang nalunod ang isa pang Chinese na si Zhu Ding, 32-anyos bandang ala-1:00 ng hapon.

Kasamang naliligo ng biktima ang asawa pero nakita na lang ng mga taga-resort na hinihila na ito patabi ng kaniyang misis.

Mabilis na rumesponde ang nurse ng resort para bigyan ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) ang biktima na agad ding isinugod sa rural health center pero hindi na umabot ng buhay.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, posible umanong inatake sa puso ang dalawang biktima habang naliligo sa dagat na dahilan ng pagkalunod.

Samantala, isasailalim pa sa autopsy ang labi ng mga biktima.

Sa ngayon, ayaw pang magbigay ng pahayag ang pamunuan ng resort sa magkasunod na pagkalunod ng kanilang dalawang guest.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.