2 Chinese National, Tiklo sa Shabu

BAGSAK ANG dalawang Chinese National matapos mahulihan ng dalawang kilo ng Shabu sa isinagawang operation ng Criminal Investigation and Detection Group Special Reaction Unit sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Director Samuel Pagdilao, hepe ng CIDG ang mga suspek na sina Antonio Go ng McArthur Highway, Potrero, Malabon City at Hua Shi, 24, ng Jose Abad Santos, Binondo, Manila.

Batay sa ulat, alas-10 ng gabi, nagsasagawa ng surveillance ang mga taga-CIDG sa MacArthur Highway, Potrero, Malabon City laban kay Go na hinihinalang gun runner.

Nang makita ng mga taga-CIDG ang sasakyan na Ford Everest (ZAK-237) ni Go ay agad na pinara.

Hindi na nakapalag si Go at sakay na si Hua Shi nang kapkapan hanggang sa makuhanan ng kalibre .45 at magnum 22, kung saan nakita rin ang tatlong bag ng Shabu na aabot sa dalawang kilo.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.