2 Chinese laya na sa kidnappers

LIGTAS AT nakalaya na mula sa kanilang abductor ang dalawang Chinese nationals matapos mabawi ng Police Regional Office-13 at mga tauhan ng Barobo Municipal Police Station ang mga biktima sa Brgy. Wakak, Barobo, Surigao del Sur.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, dakong ala-1 ng hapon nang ma-rescue sina Leping Lee, 43-anyos at Li Guang Yang, 48-anyos, tubong taga-Guangzhe, China at tatlong taon nang naninirahan sa Brgy. 2, San Francisco, Agusan del Sur.

Ibibigay na sana ang ransom money na hiningi ng mga suspek nang mag-operate ang pulisya.

Matatandaang dinukot ang dalawa noong Sabado ng alas-8 ng gabi kasama ang Pinay na si Jona Lavinia na pinalaya naman dakong alas-3 ng hapon noong Linggo.

Humingi umano ang mga suspek ng P1 million kapalit sa kalayaan ng mga biktima at dahil wala umanong kakayanang magbayad ng ransom ang kanilang mga kaibigan ay bumaba ito sa P200,000 hanggang sa umabot sa P150,000.

Sa imbestigasyon pa ng PNP, dadalhin na sana ang pera sa Brgy. Wakak, bayan ng Barobo nang namataan ng pulisya ang pagkuha na sana ng mga suspek sa pera na naging dahilan para maganap ang bakbakan na kumitil sa buhay ng isa sa mga suspek at isang police officer naman ang sugatan na si SPO2 Vicente San Pablo.

Narekober naman sa pinangyarihan ng krimen ang buong P150,000 cash at isang caliber .45 pistol.

(E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.