2 Carnapper, Patay sa Shoot-Out

 

DEAD ON the spot ang dalawang lalaki na umano’y sangkot sa kaso ng carnapping makaraang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sumapang Matanda, Malolos City, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Dave Poklay kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang habulan sa kahabaan ng McArthur Hi-way, kung saan napatay ang  dalawang suspek na armado ng  cal.22 at cal.38 na baril.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ganap na alas-9 nang magkaroon ng nakawan ng motorsiklo sa isang commercial establishment, kung saan isang Yamaha Mio ang natangay ng mga suspek matapos tutukan ng baril ang may-ari na nakilalang si Rammy Alkhadia Y Camua, 26 anyos, ng Brgy. Calero sa lungsod na ito.

Narekober sa lugar ang ninakaw na motorsiklo, at nakumpiska mula sa mga ito ang isang Racal Motorcycle na kulay pula may plakang 6191-IT. Nakita rin sa compartment ng motor na ginamit ng mga napatay ang dokumento ng isang Jeffrey David na kalalaya pa lamang mula sa Bulacan Provincial Jail sa kasong RA 6539.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.