2 Carnapper Daw, Natagpuan Patay sa Kalsada

KATABI NG dalawang bangkay na sinasabing carnapper ang isang motorsiklo nang matagpuan sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang mga biktima na sina Nelbert Maglayan, 28; at Arge Cabrera Jr., 25, kapwa ng Phase 6, Bagong Silang ng lungsod.

Alas-2:30 ng umaga nang makita ang mga bangkay ng mga biktima sa Sitio Matarik, Barugo, Camarin ng lungsod.

May tama ng bala sa katawan ang mga biktima habang nakasabit ang karatulang “carnapper ako”.

Nasa tabi rin ng mga biktima ang motorsiklong may plate number 3225-XI.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang nasabing insidente at i-naalam na rin kung sino ang may-ari ng motorsiklo.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.