2 buwan sa Paris ang boyfriend Nikki Gil, buong-buo ang tiwala kay Billy Crawford

NGAYONG PAREHO nang nag-file ng kaso sina Mon Tulfo at ang mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago laban sa isa’t isa, at kumpirmadong suspendido ang mga kapatid ni Mon na sina Erwin, Ben at  Raffy sa programa nilang T3, inaasahan na mukhang mas lalalim pa ang hidwaan sa pagitan ng mag-kabilang kampo.

Bukas ang broadcaster, na sa ngayon ay hindi pa niya kayang makipag-ayos sa mag-asawa, samantalang desidido naman sina Raymart at Claudine na ipagpatuloy ang kasong Physical Injury at Child Abuse laban dito, kilala rin ang pagmamahal at pagkakaisa ng magkapatid na Tulfo, kung saan ang away ng isa sa kanila ay tiyak na away nilang magkakapatid.

Sa pagsampa ng kaso nina Raymart at Claudine nu’ng nakaraang Lunes, may kasamang bodyguards ang mga ito. Ayon sa aktor, may umaali-aligid na van sa bahay nila kung kaya’t kumuha sila ng security para sa kaligtasan ng kanilang pamilya.

Sa pagkakasuspinde naman ng magkaka-patid na Tulfo sa programa nilang T3, kung saan ang pinga-ugatan ay ang mga pagbabanta na nabitawan nila laban sa mag-asawang Raymart at Claudine, hindi na rin ma-interview ang tatlo sa utos na rin daw ng management ng TV5.

Nakatanggap nga kami ng official statement ng TV5 tungkol sa nangyari. “News5 assures the public and all the parties concerned that the stataments made by the Tulfo brothers in its program, T3 lastMay 7, 2012, were unsripted, spontaneous and do not in any way reflect the stand nor the policy of the network, its’ management, staff, and employees. While we understand the emotions at play during the broadcast, News5 does not and will never condone such behavior. It was not only uncalled for but also runs counter to the established  Code of Ethics that we are strictly adhere to. We are taking necessary actions to deal with this lapse in judgement on the part of the Tulfo brothers and assure the public that we remained commited to objective and impartial journalism.”

 

HINDI PALA naihatid ni Nikki Gil ang boyfriend na si Billy Crawford nang umalis ito ng bansa papuntang Paris last April 30 para subukan muli ang kanyang international singing career. May taping ng Mundo Man Ay Magunaw nu’ng araw na ‘yun, si Billy na lang ang dumaan sa set kung saan personal itong nagpaalam sa kanya.

Ayon kay Nikki, nu’ng araw na ‘yun ay mas marami pa siyang iniyak off-cam kaysa on-cam, pero kahit papaano ay sanay na rin naman ang aktres sa ganitong set-up dahil nangyari na rin ito dati nang magkaroon ng US tour ang boyfriend kasama si Sarah Geronimo sa loob ng isang buwan. Ang pinagkaiba nga lang, nagkita sila noon kahit papaano dahil nagpunta sila ng mommy niya sa America. Pero ngayon, sa loob ng dalawang buwan, dire-diretsong ‘di sila magkikita.

Constant naman ang komunikasyon nina Nikki at Billy, kung saan araw-araw ay nag-i-Skype sila, nagtatawagan at nag-uusap. Siniguro rin sa amin ng actress/TV host na buong-buo ang tiwala niya sa boyfriend.

GUSTO NAMING pasalamatan si Kuya Germs at ang mga artistang nagbigay ng mga pa-raffle para sa selebrasyon ng 49th anniversary ni Master Showman sa industriya. Isa sa hinahangaan namin sa showbizness, dahil kinakitaan namin ng malalim na malasakit at pagmamahal sa industriya, habang nakilala namin si Kuya Germs ay mas lalong tumataas ang respeto at paghanga namin sa kanya.

Umulan ng pagkain at mga pa-raffle na nanggaling sa mismong bulsa ni Kuya Germs at ilang mga personalidad sa showbizness tulad ng mag-asawang Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado, Sen. Jinggoy Estrada. Joel Cruz, Mother Lily Monteverde at iba pa. Ang aming taos-pusong pasasalamat kay kuya Germs sa napakahusay niyang pakikisama at pagpapahalaga sa aming mga manunulat.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Previous articleLoveless Heart
Next articleAlex Gonzaga, kinaiingitan ng sister na si Toni Gonzaga?!

No posts to display