2 bus, Nagsalpukan sa Iloilo

ILOILO CITY – SUGATAN ang driver ng unit ng Teling bus na bumibiyahe ng Capiz-Iloilo matapos na mabangga ang isang multicab at Ceres bus.

Nangyari ang insidente kahapon ng umaga sa Brgy. Nabalian, Ajuy, Iloilo.

Sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan, lumalabas na nag-overtake ang unit ng Teling bus na minamaneho ng isang Carlos Lachica ng Brgy. Pangi, San Dionesio, Iloilo sa sinusundang multicab na minamaneho naman ng guro na si Jun Soledad y Bahanlod, 31, ng Brgy. Malayuan, Ajuy.

Ngunit nakasalubong nito ang unit ng Ceres bus na minamaneho ni Gary Allado y Belloga, 34, ng Brgy. Vista Alegre, Anilao, Iloilo.

Unang nabangga ng nag-overtake na bus ang sinusundang multicab at sunod na nabangga ang nakasalubong na bus.

Maliban sa driver na si Lachica na nabalian ng paa at naka-confine ngayon sa district hospital sa Barotac Nuevo, Iloilo, wala namang ibang nasugatan sa naganap na aksidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.