2 Bus, Nagsalpukan sa EDSA-Quezon Avenue Flyover

MAY 16 ang sugatan nang magsalpukan ang dalawang pampasaherong bus na paakyat sa southbound lane ng EDSA-Quezon Avenue flyover sa Quezon City.

Ayon sa paunang report, nagbababa ng pasahero ang Pascual Liner bus bago umakyat ng flyover nang banggain sa likod ng bus ng Cher Transport.

Kabilang sa mga sugatan ang driver ng Cher Transport na si Roberto Cinco na naipit pa sa bus at ilang pasahero.

Sa salaysay ng konduktor ng Cher Transport, hindi kumagat ang kani-lang preno kaya nasalpok ang Pascual Liner bus.

Dinala naman sa East Avenue Medical Center ang mga sugatan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.