2 Bus Nagsalpukan; 3 Dedo, 15 Grabe

 

TATLONG KATAO ang nasawi matapos na magkasalpukan ang dalawang pampasaherong bus sa Barangay Colacling, Lupi, Camarines Sur.

Ayon kay PO2 Clifford Roedas ng Lupi-PNP, alas- 9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Mula sa Maynila ang Ultra bus habang patungo naman sa direksyon ng Naga City ang Silverstar bus nang magkaroon ng head-on collission.

Dead on arrival sa Sipocot District Hospital ang tatlong pasahero ng Silverstar habang sugatan naman ang 15 iba pa kasama ang dalawang driver na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Bicol Medical Center.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy kung sino sa dalawang tsuper ng bus ang nagkaroon ng pagkakamali habang nagmamaneho.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.