2 Bugaw, Timbog; 6 na Menor, Nasagip sa Angeles

NALAMBAT NG mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang bugaw habang nailigtas ang anim na menor de edad sa isinagawang entrapment operations sa lungsod ng Angeles, Pampanga.

Kinilala ang mga suspek na sina Esmeraldo Tejero, alias “Jay”; at Marlyn Valencia, alias “Lyn”, kapwa residente ng Brgy. Balibago sa syudad na ito.

Nabatid na ang pagkakaaresto sa mga suspek ay bunsod sa kahilingan ng International Justice Mission (IJM), na isang non-government organization na tumutulong sa mga proyekto ng Anti-Human Trafficking sa NBI-Central Luzon Regional Office (CELRO) kung saan nalaman na isang Jay ang nambubugaw malapit sa Natalia Hotel, Fields Avenue, Brgy. Balibago.

Ayon sa mga ahente ng NBI, nagsagawa sila ng beripikasyon noong Pebrero 19, kung saan nakumpirma ang pambubugaw makaraang magpanggap na costumer ang isa sa mga NBI agent matapos ma-kipagkasundo ang bugaw na si Jay.

Bunsod nito’y agad nagdala si Jay ng anim na menor de edad, na mula siyam na taong gulang hanggang 17-anyos na babae at nang nasa aktong iniaabot na ang P80,000 marked money ay inaresto ang suspek, pati na ang kasama nitong si Lyn.

Kaugnay nito’y agad na idineretso ang anim na menor de edad sa Department of Social Welfare (DSWD) habang ang mga suspek ay binitbit sa NBI-CELRO.

Sinampahan ang mga

nahuli ng kasong paglabag sa RA 9208 (Qualified Human Trafficking) at Sec. 5 ng RA 9610 sa prosecutor’s office sa naturang lungsod.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.