2 BRGY. CHAIRMAN, KAPWA PATAY SA DUWELO

KAPWA NAMATAY ANG isang kapitan at dating kapitan ng barangay makaraang magduwelo habang sinasalubong ang pagpasok ng Bagong Taon sa sa lalawigan ng Antique.

Kinilala ang dalawang barangay opisyal na sina Eduardo Paulino Sansaet, kasalukuyang kapitan ng Barangay Pandanan sa bayan ng Lawaan, Antique; at Dionisio Agapito, dating kapitan at ngayo’y kagawad ng nasabing barangay.

Sa naantalang report na nakarating sa Kampo Crame, naganap ang barilan alas-11:45 ng gabi ilang minuto bago ang Bagong Taon nang magkaharap ang dalawa, kung saan naungkat ang kanilang hidwaan.

Isang tama ng bala mula sa hindi pa mabatid na kalibreng baril ang tumama sa mukha ni Kapitan Sansaet, samantalang, bala naman ng 12-gauge shotgun ang tumama sa kaliwang kamay at kaliwang bahagi ng katawan ng dating kapitan, na kapwa nila ikinamatay.

Hinihinalang may kinalaman ang nagdaang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa nasabing insidente.

(ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.