2 Bookies sa Maynila, Inirereklamo

INIREREKLAMO NG mga konsernadong residente ng Maynila  ang hindi masawatang operasyon ng iligal na bookies (karera ng kabayo) na ino-operate ng dalawang kilalang hari ng nasabing sugal na sinasabing “kumpare” ni Manila Mayor Alfredo Lim.

Ang inirereklamong dalawang hari ng bookies ay sina Apen Sy at Boy Abang dahil halos lahat ng sulok ng Kamaynilaan ay makikita ang kanilang operasyon na hindi umano matinag-tinag ng mga matataas na opisyal ng Manila Police District (MPD).

Ayon sa mga residente, kahit sa hayag na lugar ay walang takot sina Sy at Abang na mangubra ng taya sa mga adik na sugarol ng bookies kahit may nakaunipormeng pulis.

Sinabi ng isang impormante, isang SPO1 Edwin Alacio, na nakatalaga sa Station 3 ng MPD, na ang bahay umano nito ay may operasyon ng bookies ni Boy Abang na matatagpuan sa kahabaan ng Laon-Laan kanto ng Antonio St., Sampaloc, Manila.

Wika pa ng impormante, itong si Alacio umano ay malakas kumita ng pera sa pamamagitan ng nasabing sugal. Sa kabila ng mga reklamo ng kanyang mga kalugar laban sa kanyang iligal na operasyon, nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan lamang si Alcio.

Ang mga pa-bookies ni Apeng Sy ay makikita rin sa lahat halos ng sulok ng Maynila na hindi rin umano kayang tibagin ng mga elemento ng Manila’s Finest.

“Talagang kahit sinong herodes ay walang kakayahan umanong bundulin ang dalawang nasabing bookies lord dahil ang mga ito ay kumpare umano ni Lim,” dagdag pa ng mga residente.

(ROMAN MAGPOC) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.