2 Binatilyo, Tinamaan ng Kidlat, Patay

PATAY ANG dalawang binatilyong mag-iitik matapos tamaan ng kidlat habang nagpapastol sa gitna ng bukid sa Barangay Rizal, Santiago City, Isabela kamakailan.

Kinilala ng Santiago Police ang mga biktima na sina Jimboy Antonio, 19-anyos; at Rick Castillo,13-anyos.

Base sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan, inabutan ang dalawang binata ng malakas na ulan na sinabayan pa ng sunud-sunod na kulog at kidlat habang isinisilong ang kanilang mga alagang itik.

Samantala, ayon sa mga nakakita, bumulagta ang dalawang biktima matapos tamaan ng kidlat, at umuusok pa ang kanilang katawan nang datnan ng mga rumespondeng kapit-bahay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.