2 binatilyo, patay sa pamamaril

DALAWA UMANONG PASAWAY na binatilyo ang pinagbabaril at napatay ng dalawang hindi nakikilalang suspek habang ang mga biktima ay nag-uusap sa kahabaan ng Miramonte Heights, Barangay 180, Tala, Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Namatay sa lugar nang pinagyarihan ng insidente sanhi ng mga tama ng bala sa katawan sina Roger Gabal, 16, estudyante; at Romnick Romero, 21, binata na parehong nakatira sa Miramonte Heights, Brgy. 180, Tala, ng nabanggit na lungsod.

Kaagad namang nagsitakas ang mga hindi nakikilalang suspek matapos isagawa ang pamamaslang mga biktima dala-dala ang ginamit na baril sa krimen.

Base sa ulat ni PO3 Joseph Delgado may hawak ng kaso, bandang alas 7:30 ng gabi nang maganap ang pagpatay sa dalawang biktima sa nabanggit na lugar.

Nakasaad sa ulat ng pulisya, kasalukuyan nag-uusap sina Gabal at Romero ng bigla na lamang dumating ang dalawang suspek na armado ng baril na .9mm at magkasabay na pinagbabaril ang mga biktima.

Nang duguang humandusay ang mga biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek dala-dala ang ginamit na baril sa hindi nabatid na direksiyon.

Napag-alaman pa na ang dalawang biktima ay mga pasaway umano kung saan ang mga ito ay pinagmumulan umano ng kaguluhan sa kanilang lugar. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.