2 Binata, Kulong sa Pagtulak at Pagsapak sa Tanod

SHOOT SA kulungan ang dalawang binata matapos itulak at sapakin ang barangay tanod na sumita sa mga una habang nag-iinuman sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Nahaharap sa kasong drinking in public at direct assault sina Kevin Dela Torre, 20; at Roderick Corpuz, 22, kapwa ng PNR Compd., ng lungsod.

Base sa ulat, ala-1:30 ng madaling-araw, nag-iinuman ang mga suspek sa Abbey Road, Barangay 73 ng lungsod nang maispatan ng mga barangay tanod.

Nilapitan ng tanod na si Benjamin Lipaen Jr., ang mga suspek at sinita dahil bawal sa lungsod ang pag-inom ng alak sa kalsada, subalit itinulak ito ng mga suspek bago sinapak.

Agad na sumaklolo ang iba pang tanod na naging dahilan upang madala sa presinto ang mga suspek at masampahan ng mga nasabing kaso.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.