2 Biktima ng Salvage, Natagpuan sa Bulacan

NAKATALI ANG mga kamay at paa at binalot ng masking tape ang ulo at mukha na may mga tama ng bala ng baril sa katawan nang matagpuan ang dalawang lalaki sa isang madawag na lugar sa Sitio Paigkas, Brgy. Bulac, Sta. Maria, Bulacan kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakara-ting sa tanggapan ni PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduna, dakong alas-7:00 ng umaga nang matagpuan ng isang Remegio Bernardo ang dalawang lalaki na pinaniniwalang biktima ng summary execution.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Dra. Edith Martinez ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na kapwa may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ang katawan ng mga biktima.

Nabatid na nakasuot ng kulay itim na jacket, kulay asul na pantalon at may tattoo na “Elmer” sa kaliwang bahagi ng hita ang isa, habang ang isa naman ay nakasuot ng kulay asul na polo shirt, kulay itim na stripe na short, kulot ang buhok at maraming tattoo sa buong katawan.

Kasalukuyang nakalagak ang labi ng dalawang  lalaki sa Grace and Glory Funeral Homes.

(TONY DELA PEÑA)    

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.