2 Biktima ng salbeyds, Natagpuan sa QC

DALAWANG HINIHINALANG salvage victims ang magkasunod na natagpuan sa Barangay Sauyo, Quezon City kahapon.

Unang nakita ang bangkay ng lalaking nakasuot ng shorts sa may Waling-Waling Street. Binalutan ito ng packaging tape sa ulo, kamay at paa at sinakluban ng puting sako.

Samantala, habang iniimbestigahan ang nasabing bangkay, natuklasan naman ang isa pang bangkay ng lalaki sa Sauyo Road na may balot din ng tape ang ulo.

Parehong payat ang pangangatawan ng mga biktima at tinatayang nasa 20 ang edad.

Sa ngayon, wala namang nakitang pagkaka-kilanlan sa mga ito.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.