2 Bihag ng NPA sa ComVal, Pinalaya na

PINAKAWALAN NA ang dalawang prisoner of war (POW) ng New People’s Army matapos ang 35 araw na pagkabihag sa Compostela Valley province.

Eksaktong ala-1:00 kahapon, pinakawalan ng Front Committee 34 Comval North Davao, South Agusan Sub Regional Command Southern Mindanao Region sa ilalim ng Ruby del Mundo Regional Committee ang dalawang POW na sina PO1 Ruel Pacion na nakadestino sa San Isidro Municipal Police Station ng Davao del Norte at Pfc Jesriel Colango ng 60th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, mismong ang Sowing The Seeds of Peace at grupong Karapatan ang nanguna para mapakawalan ang dalawa.

Napag-alaman na hindi pinaalam sa mga opisyal ng pamahalaan ang pag-release sa mga bihag sa halip ay kina Bishop Deny Dapitan, walong pastor, dalawang pari, abogado, madre at mga guro ini-release ang mga ito.

Maaalala na nabihag ang dalawa noong Enero 17, 2013 habang nagsasagawa ng checkpoint ang mga rebeldeng grupo sa Brgy. Imelda, Laak, Comval province na kung saan nagkataong dumaan ang dalawa.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.