2 Bebot na Miyembro ng ‘Salisi Gang’, Tiklo

NADAKIP ANG dalawang babae na miyembro ng “salisi gang” na nambibiktima sa mga namimili ngayong Kapaskuhan sa Makati City.

Ayon sa biktimang si Mary Jane Cruz, 39, at isang overseas Filipino worker (OFW), binabayaran na niya sa cashier ng mall ang mga pinamili at nang malingat ay wala na ang kanyang bag.

Nakuhanan naman ng CCTV ng mall ang aktuwal na pagnanakaw kaya’t naaresto rin ang mga suspek na sina Rio Ann Pineda, 27; at Jessy Mae Austria, 23.

Bigo namang mahuli ng awtoridad ang kasamahang lalaki ng mga suspek maging ang bag ng biktima na may lamang credit card, mga dokumento at cash na aabot sa P4,000.

Desido si Cruz na maghain ng kaso laban sa dalawang suspek para maturuan sila ng leksyon.

Hindi naman itinanggi ng mga suspek ang krimen at sinabing nagawa lang nila ito para sa kanilang mga anak.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.