2 Bebot na Karnaper, Naperder

DALAWANG GINANG na umano’y sangkot sa serye ng carnapping sa Metro Cebu ang inaresto kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, tatlong sedans na nagkakahala-ga ng P1 milyon bawat isa ang umano’y isinanla sa foreign national ang narekober ng awtoridad sa follow-up operations.

Sinabi ni Chief Ins. Ryan Devara, hepe ng Mabolo Police Station, ang mga dinakip ay sina Gionna Marie Geolina, 36-anyos ng Brgy. Lawis, Talisay City at Maria Roselyn Olid, 40-anyos ng Brgy. Lipata, Minglanilla.

Sinabi ng awtoridad na modus operandi ng dalawa ang umarkila ng sasakyan subalit hindi na ibabalik ng mga ito.

Nadakip si Olid nang mamataan ito ng isang inarkilahan niya ng kotse na muling nakikipagtransaksyon sa ibang rental car company sa F. Cabahug St., Cebu City kaya agad namang tumawag ng pulis upang dakpin ito.

Habang si Geolina naman ay inaresto nang mamataan ng pulis na nakikipag-transact sa isang American national para ibenta ang inarki-lang sasakyan sa katimugang bahagi ng lalawigan alas-6:00 ng gabi nang araw drng iyon.

(E. CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.