2 Bebot, Kulong sa Paglimas ng mga Gamit sa Pinasarang Videoke Bar

KULONG ANG dalawang babae habang nakatakas ang mga kasama matapos limasin ang mga gamit ng pinasarang videoke bar sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Estrella Atragenio, 37 at Nena Ombajin, 40, kapwa ng 4th Avenue ng lungsod habang pinaghahanap pa ang mga kasamang nakilala lang sa alyas na Puroy at Belen at iba pang hindi pa kilalang kasama.

Sa ulat, alas-6:30 nang matuklasan na nasimot ang mga gamit sa Hawaian Grill Videoke Bar sa 4th Avenue na pag-aari ng isang Mercelita Veliente ng M.H. Del Pilar St., ng lungsod.

Nabatid na noong Setyembre 20, 2012 ay pinasara ng City Hall Business Permit ang nasabing videoke bar dahil hindi nakumpleto ang mga papeles.

May nakakita sa mga suspek na sinira ang kandado ng steel roll ng videoke bar at inilabas ang mga gamit na naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga pulis ang biktima hanggang madakip ang dalawang suspek, subalit walang nabawi sa mga tina-ngay na aabot sa P288,938.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.