2 Bebot, Kulong sa Bato

SWAK SA kulungan ang dalawang bebot nang mahulihan ng Shabu sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga suspek na sina Mary Grace Cabuhay, 36; at Susan Bernardo, 37 kapwa ng BMBA Cmpd., ng lungsod.

Nabatid na dahil sa talamak ng bentahan ng Shabu sa nasabing lugar ay nagsagawa ng surveillance ang mga pulis laban sa mga pusher na sina alyas Henry at Boy, alas-3 ng umaga.

Napansin ng mga pulis ang dalawang bebot na balisa na naging dahilan upang lapitan at nakuhanan ng tig-isang sachet ng Shabu sa mga kamay.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.