2 bata, positibo sa Enterovirus – DOH

KINUMPIRMA NG Department of Health (DOH) na mayroong dalawang bata sa bansa ang nagpositibo sa Enterovirus.

Sinabi ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag na dahil dito ay pitong specimen ang dinala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Alabang, Muntinlupa City para sa agarang pagsusuri.

Gayunman, inihayag ni Tayag na beni-verify pa rin nila kung kaparehong EV-71 virus na laganap ngayon sa Cambodia ang tumama sa hindi pa tinukoy na mga biktima. Nasa maayos namang kalagayan ang mga ito.

Ang tumatamang virus sa Pilipinas ay hindi naman seryoso at self-limiting illness, ayon pa kay Tayag.

Samantala, nilinaw naman ni Tayag na walang travel restrictions na ipinalalabas sa mga pasaherong papunta at galing ng Cambodia.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.