2 bata ni P-NOY, buking sa Jueteng

Isiniwalat ni Retired Archbishop Oscar Cruz na dalawa sa pinagkakatiwalaang opisyales ni Pangulong Benigno Aquino III ang nakatatanggap ng mahigit P2 milyon kada buwan sa iligal na Jueteng.

Sa pahayag ni Cruz, tumatayong lider ng Krusadang Bayan Laban sa Jueteng, ang nabanggit na popular na laro ay inihalintulad na sa isang “political monster” sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Ang naturang dalawang opisyales ay lumalabas sa kasalukuyang summary field reports na isinumite ng nationwide network ng Krusadang Bayan kay Cruz. Ang nasabing grupo ay mayroong 86 diocese sa bansa na binubuo naman ng iba’t ibang lider.

“If he (Cruz) has the evidence, no matter how little, I will investigate them. Regardless of who they are, if there is proof, they will pay,” ayon sa text message ni P-Noy.

Nananawagan si Cruz sa pangulo na tuparin nito ang pangakong magkaroon ng isang tapat na gobyerno sa pamamagitan ng pagpapaalis sa multibillion-peso underground lottery sa bansa lalo na sa Luzon at Visayas.

“The past administration was notorious for its patronage of Jueteng. It is my hope that the present administration, which claims to be the opposite of the past administration, will be able to demonstrate its resolve and not just go ‘blah, blah, blah,’” ayon pa kay Cruz sa isang phone interview.

“Give us something concrete,” dagdag pa ni Cruz.

Nakahanda namang makinig ang Malacañang sa panawagan ni Cruz ayon kay Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma noong Sabado.

“All government officials are expected to be law-abiding. We encourage the prelate to report the anomalies he knows about so that these can be investigated and those found guilty will be punished,” ani Coloma.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

3 thoughts on “2 bata ni P-NOY, buking sa Jueteng

  1. Archbishop Cruz is a grandstanding, retired, bitter churchman who only wants to attract attention to himself. He is bitter because he did not get to be archbishop of Manila which he could have used as a forum to atttack other people hiding bind the cloak of a powerful position.

    If he is really concerned about the welfare of the nation, he will have the guts to come out in the open about the corrupt officials in government especially those within the presidential family.

    If he cannot name names, it is tantamount to lying, or condonation of a crime.

    What surprised me is that as a canon lawyer, he should be an agent of truth and justice.

    Tsk, tsk, tsk. Nakakahiya. Arsobispo pa naman. Wala nang maniniwala sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.