2 Bata, Naospital sa Tuba-Tuba

NAKA-CONFINE SA Ge-neral Santos District Hospital ang dalawang bata matapos mahilo sa kinain nilang tuba-tuba sa Purok 2, Extension, Brgy. Apopong sa natu-rang lungsod.

Kinilala ang mga biktima na sina Patricia Nicole Capion, 5, at ang kalaro nito na si John Mar Bruno, 3, kapwa residente ng nasabing lugar.

Sinabi na naglalaro ang dalawa at hindi nabantayang maigi ng magulang na kumain pala ng tuba-tuba kaya’t nahilo.

Una rito, nakaramdan ng pananakit ng kanilang tiyan at pagsusuka ang mga bata kaya’t kaagad na dinala sa nabanggit na ospital.

Samantala, bagamat ligtas na sa kapamahakan, patuloy pa ring inoobserbahan ng mga manggagamot ang mga biktima.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.