2 bata, hinampas ng kadena ng sekyu

SUGATAN ANG dalawang bata matapos paghahampasin ng kadena ng isang security guard ng isang drugstore sa Kamuning, Quezon City.

Ang dalawang biktima ay kapwa lalaking 11-anyos at 12-anyos na pawang taga-Towerville sa Sapang Palay, San Jose del Monte, Bulacan ngunit nangangalakal ng basura sa nasabing lugar.

Ayon sa salaysay ng isa sa mga biktima, anim silang magkakasama na natutulog nang bigla na lamang umano silang hampasin ng sekyu.

Tanging ang dalawang bata ang napuruhan sa kamay at sa likuran dahil nakatakbo anila ang kanilang iba pang kasamahan.

Binigyan na ng paunang lunas ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) emergency team ang mga menor de edad na biktima.

Samantala, hindi naman inaaksyunan ng mga awtoridad mula sa Quezon City Police Station 10 at maging ng mga social worker ang mga bata pagdating sa istasyon dahilan upang umalis na lamang ang mga ito.

Sa ngayon, hindi pa rin lumulutang ang guwardyang nanakit umano sa dalawang bata.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.