2 bata at 2 rebelde, patay sa bakbakan

APAT NA katao, kabilang ang dalawang bata ang nasawi sa bakbakan ng tropa ng pamahalaan at mga miyembro ng New People’s Army sa Camarines Norte, kamakalawa.

Ayon kay 49th Infantry Battalion commanding officer, Lt. Col. Epimaco Macalisang, kabilang sa mga nasawi ang isang lider ng NPA at dalawang anak umano ng mga rebelde.

Batay sa ulat, nagsimula ang bakbakan, ala-1 kamakalawa ng hapon sa Barangay Malaya sa bayan ng Labo.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga sundalo na may mga rebeldeng humihingi ng pera at mga pagkain sa mga residente kaya’t rumesponde ang mga ito.

Tumagal nang 10 minuto ang bakbakan hanggang sa tumakas ang ibang rebelde.

Dalawa sa mga nasawi ay nakilalang sina Rafael Llanto, alyas Gopi, ang ikalawa umanong pinakamataas na lider ng NPA sa rehiyon at isang Benjamin Manzera, 54.

Nakita rin sa lugar ang bangkay ng dalawang batang lalaki na sina Michael Manzera, 10 at kapatid na si Richard, 7, kapwa anak umano ni Manzera.

Nakumpiska rin ng mga sundalo ang dalawang matataas na baril na kinabibilangan ng caliber .56mm M4 Commando at US caliber 7.62mm M14.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.