2 Barko ng PH, itinaboy ng Tsina sa pinag-aagawang shoal

ITINABOY NG Chinese Coast Guard ang dalawang barko ng Pilipinas habang papalapit ito sa bahagi ng Second Thomas Shoal na kinaroroonan ng pinag-aagawang teritoryo.

Kinumpirma ng Tsina na habang nagpapatrolya ang coast guard nito, napilitan itong itaboy ang mga barko na may karga umanong contruction materials at may bandila ng Pilipinas nitong Linggo.

Nangyari ang insidente sa bahagi ng tinatawag ng China na Ren’ai Reef na Ayungin Shoal naman sa panig ng bansa.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesman Qin Gang, umalis din ang mga barko ng Pilipinas matapos balaan ng Chinese Coast Guard.

Sinabi ni Qin sa report ng Xinhua news agency: “China has indisputable sovereignty over the Nansha Islands and their adjacent waters including the Ren’ai Reef.”

Inihayag pa ng Chinese official na matagal nang hinihiling ng Tsina na maialis ng Pilipinas ang barko nitong nabalahaw sa nasabing lugar noong 1990. Hindi ito maialis dahil umano sa technical na dahilan.

“This time, the Philippine side has again attempted to start construction on the reef,” hayag ni Qin. “The moves infringed China’s sovereignty.”

Ang Second Thomas Shoal ay sinasabing isang “strategic gateway” sa Reed Bank, na pinaniniwalaang mayaman sa langis at natural gas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “2 Barko ng PH, itinaboy ng Tsina sa pinag-aagawang shoal

  1. Pingback: 2 Barko ng PH, itinaboy ng Tsina sa pinag-aagawang shoal - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.