2 Bangkay, Magkatabing Ibinalandra sa Gutter

 

HINIHINALANG BIKTIMA ng summary execution o salvage ang dalawang ‘di pa kilalang lalaki nang matagpuan ang bangkay ng mga ito sa gutter kahapon ng umaga sa Navotas City.

Inilarawan lamang ng pulisya ang mga biktimang nasa edad 30-35, nakasuot ng itim na T-shirt, stripe short pants, may tattoo sa kaliwang braso na ‘tag-life’ at may tattoo rin sa likod na na ‘Pol Salgada, Evelyn Darwin Sawaldi’ at rosary sa leeg.

Habang ang isa pang biktima ay nakasuot ng kulay green na T-shirt at puting short pants, may tattoo sa likod na ‘Demonyo’ at kaliwang braso at may tatak na ‘alvin 26’, may taas na 5’3 at kapwa may mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa agarang pagkakakilanlan sa mga suspek at ang motibo sa pagpaslang sa mga biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng mga biktima na nakabalandra sa may gutter sa kahabaan ng R-10, Sitio Puting Bato, Navotas City.

Ilang commuters ang nakakita sa bangkay ng mga biktima na naging dahilan upang ipaalam sa pulisya ang nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.