2 Bagong Pagyanig, Naitala ng Phivolcs

NAKAPAGTALA NG mga bagong serye ng pagyanig ang Phivolcs kahapon.

Unang nangyari ang lindol na may lakas na magnitude 3.9 sa silangang bahagi ng Cortes, Surigao bandang alas-2:29 ng madaling araw.

May layo itong 110 kilometro sa nasabing lalawigan at may lalim na pitong kilometro.

Maliban dito, isa pang pagyanig ang naitala ng Phivolcs kahapon ng alas-8:21 ng umaga sa Calayan, lalawigan ng Cagayan.

Batay sa report ng ahensiya, may lakas ito na magnitude 3.0 at namataan sa layong 35 kilometro at may lalim na 10 kilometro.

Sinasabing tectonic in origin ang dahilan ng mga nasabing pagyanig.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.