2 Bagong Comelec Commissioner, Itinalaga

OPISYAL NANG pina-ngalanan ng Palasyo ang dalawang bagong komisyoner ng Commission on Elections (Comelec) na itinalaga ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Ayon Kay Communications Secretary Ricky Carandang, sina Luie Guia at Al Parreno ang dalawang uupo bilang bagong komisyoner ng poll body.

Una nang ipinahiwatig ni Chairman Sixto Brillantes  na dalawang lalaking abogado at kapwa “outsider” ang mga naitalagang komisyoner.

Si Parreno ay isang board member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) habang mula naman sa grupong Legal Network for Truthful Elections (Lente) si Guia.

Sinabi ni Brillantes na posibleng mag-report na ang dalawang bagong komis-yoner sa Lunes.

Una nang tumangging umupo sa naturang posisyon sina dating Lanao del Norte Representative Macabangkit Lanto at election lawyer na si Bernadette Sardillo.

Samantala, nakatakda namang palitan ng dalawang bagong komisyoner ang mga nabakanteng puwesto ng mga nagretirong sina Commissioners Rene Sarmiento at Armando Velasco.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.