2 bagets, nag-check-in sa isang 5-star hotel sa Makati

HINDI ALAM ng friend ng friend namin kumbakit kailangang nakayuko ang dalawang bagets na nakasabay niya sa pagsakay sa elevator kung wala naman daw ginagawang masama ang dalawa?

Kung hindi nagkakamali ang aming source, nitong Huwebes lang nito niya nakita ang dalawa. Nakasimpleng T-shirt lang ang babae at nakapang-basketball outfit with matching cap naman ang lalaki.

Hindi kaya sila ay sabay lamang magdyi-gym bilang me gym naman talaga ang 5-star hotel na ‘yon sa Makati? O, baka me pupuntahan lamang na tsikahan with friends sa isang hotel room doon?

Pero siyempre, ‘pag ganyang dalawa lang sila, isa lang ang iniisip ng mga makaaalam. Nag-check-in sila roon para alam n’yo na. Pero ayaw naman naming mag-conclude agad. Bibigyan pa rin namin sila ng benefit of the doubt, ‘ika nga.

Pero kung sila na nga, wala namang problema, eh. Dahil alam namin, noon pa naman sila me relasyon. Ewan kumba’t hindi pa nila amining sila na, eh wala naman silang nasasagasaang ibang tao to begin with.

O, hindi kaya ang dahilan nila kumba’t ayaw pa nilang umamin ay lalo lang lalabas na “playboy” ang aktor at ang babae nama’y aakusahan na namang malandi?

Itanong natin ito kay Kuya Kim.

(By Ogie Diaz)

 

 

 

loading...

33 thoughts on “2 bagets, nag-check-in sa isang 5-star hotel sa Makati

  1. Its obvious… Read between the line…. Itanung kay kuya kim… It means, si kim chui yon… Besides gerald’s fave sport is basketball.. And both gerald and maja has money to check-in in 5star hotel… 

  2. Sina RYAN and KAREN nga ito.BAGETS nga diba? Hindi na bagets sina Maja and Gerald.Lahat ng clues tumpak sa kanila.Bakit,meron pa ba kayong ibang naiisip na
    bagets na playboy ang lalake at malandi ang babae? Kung sina Karen at Ryan naman ito,wala naman masama kasi mag-jowa naman sila kaso yun nga lang ang babata pa.Sana nga madumi lang mga isip ng mga tao.Baka mag-gym o may ka-meet lang sila sa hotel.In fairness, sa 5-star hotel talaga. Hindi cheap kung talagang nag check-in nga. At least hindi sa Sogo Hotel hahahahahaha

  3. Wala akong ibang maisip kundi sina Gerald and Maja. Playboy,malandi,Kuya Kim? Andyan na mismo sa clues.Given na! 

  4. Hindi naman ata sina Ryan and Karen yan.I think sina Gerald at Maja.Joke lang ata yung bagets sa clue.lol

  5. MASAYADONG halata! KAREN-RYAN yan!
    dahil samga clue….
    -Dalawang bagets
    -Matagal na may relasyon ayaw lang sabihin (dati pa sa PBB at lalo na ngayon napaka sweet makikita sa twitter halos nga mga pictures nila magksama galing gising silang dalawa)
    -Itanong kay kuya Kim ( Guest sila dalawa sa matanglawin ni kuya KIM nong lingo at nong nakaraan)
    -Maharot at playboy (Alam naman talaga dati sa PBB na pa ibaba ang gusto ni Karen una si Kit pagkatapos si Ryan at playboy walang iba Ryan na yan dati Myrtle sunod Joj tapos Karen)

  6. pedeng c ryan at karen yan…dahil lagi clang guest co-host ni kuya kim sa matang lawin wich is closest sa binigay na clue na bagets en itanong kay kuya kim…

  7. Mga TANGE! papagulo lang ung sinabi ni Ogie na Kuya Kim para sabihin nio si maja at gerald ang nasa B.I,, ang sagot KAREN at RYAN! bakit?!!

    clue no. 1: Dahil alam namin, noon pa naman sila me relasyon. Ewan kumba’t hindi pa nila amining sila na, eh wala naman silang nasasagasaang ibang tao to begin with.
    –>> (PBB Days),, kelan lang ung issue ni maja at gerald.. wag kaung tanga!

    clue no. 2: DALAWANG BAGETS!!! kelan pa naging bagets ang c maja at gerald? 3 years or 4 years ago? alam natin na kpag bagets eh nsa teenage years.. di naman pwede si yves at myrtle ksi strict ang parents ni myrtle.. Si KAREN at RYAN lang tlaga ang pwede.. sila ito PROMISE!!! 

  8. ka loka naman….maja-rot nga tlga si maja hmmmmnnn at si geral anderson user mxado… grabe… bat ganun pag artista pasa pasahan nlng ng mga jowa??? mas okay pa non showbizz.. tsk tsk..haist…

  9. Maja at gerald yan, may clue na nga e.. kso lang kc pinagulo lang nito ni ogie, young dw, e hindi nman na young yang mga yan. sa shangrila sa Makati sila nakita magksama. e dba yon nman gusto ni gerald nadadala nya kung san san, kc nong sila ni kim hndi nman nila inamin, si sarh ganon din. e e2 all out sila kht san mag punta pwede.

Leave a Reply

Your email address will not be published.