2 bagets na galing sa rehab, natagpuang bangkay

POSITIBONG KINILALA ng kanilang pamilya ang natagpuang bangkay ng dalawang kabataaang lalaki na kapwa dumanas ng pahirap bago pa tuluyang pinatay at isinilid sa magkahiwalay na plastic bag saka itinapon sa NIA Canal, sa Brgy. Macabling, Sta. Rosa, Laguna.
Sa harap ni P/Supt. Edwin Wagan, hepe ng pulisya, kinilala ng kanilang pamilya ang mga biktimang sina Jeffrey Ong, 18; at Romenar Dumali, 19, pawang mga binata, tubong # 193 MRR St., Purok 4, Pineda, Pasig, City, at pansamantalang naninirahan sa B8-L27, South Spring, Brgy. Canlalay, Biñan.
Kapwa sumailalim na umano sa panga-ngalaga ng pamunuan ng Rehabilitation Center sa lugar ang mga biktima kung saan na-discharge at gumaling na ang mga ito kamakailan, samantalang hindi pa rin mabatid ng pulisya kung saan at sino ang responsible sa karumal-dumal na krimen.
Nadiskubre na lulutang-lutang ang bangkay ng mga biktima sa nasabing lugar may ilang araw na ang nakararaan na kapwa tadtad ng tama ng bala at sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan, may tali ang mga kamay bukod pa sa may busal ng packaging tape ang bibig ng mga ito.
(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.