2 Army Reservist, Tiklo sa Bato

HINDI UMUBRA ang utak-militar ng dalawang reservist ng Philippine Army makaraang mahuli sa buy-bust operation ng mga tauhan ng PDEA at Drug Enforcement Unit sa Brgy. Sagrada Familia sa Hagonoy, Bulacan.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduna, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Jose Bautista, 45, alyas Papa Joe, ng Brgy. Sagrada Familia; at Ramiro Batongbakal Y Palma, 50, alyas Bakal, ng Sitio Hulo, Brgy. San Agustin, kapwa reservist ng Philippine  Army.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-11 ng hating-gabi nang madakip ang mga suspek habang nasa aktong nagbebenta ng ipinababawal na droga.

Nadakip ang dalawa, makaraang inguso sila ng ilang concerned citizen, kaugnay sa transaksyon sa pagbebenta ng Shabu.

Nakumpiska mula sa dalawa ang hindi pa mabatid na gramo ng Shabu at Shabu paraphernalia.

Samantala, kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang kakaharapin ng dalawang suspek.

(TONY DELA PEÑA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.