2 Arabo, timbog sa tangkang panghahalay

DAKIP ANG dalawang Arabo matapos ireklamo ng isang 20-anyos na Pinay sa tangkang panghahalay sa tinutuluyang hotel sa Malate, Maynila.

Sinabi ni “Jane” na sumugod sa Manila Police District (MPD), tinangka siyang pagsamantalahan ni Abdullah Sayied, kaibigan ng kanyang asawang si Abdullah Hamoud.

Nagtamo siya ng kalmot sa dibdib at napunit pa ang kanyang damit sa paglaban kay Sayied.

Nang makalabas siya ng kuwarto, nagsumbong siya sa asawang si Hamoud. Pero imbes kampihan, siya pa aniya ang pinalayas kasama ang nakatatandang pinsang babae.

Sa ngayon, nahaharap sa kasong attempted rape si Sayied, habang paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) ang kay Hamoud.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.