2-Anyos, Tigok sa Boga ng Kapatid na 4-anyos

PATAY ANG isang dalawang taong gulang na anak ng pulis matapos itong tamaan ng bala ng nilalarong baril ng kanyang apat na taong gulang na nakakatandang kapatid sa Barangay Lingsat sa lungsod ng San Fernando, La Union.

Ang magkapatid na kapwa lalaki ay anak ni PO2 Nestor Gapuz ng San Fernando City Police Station.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, habang naglalaro ang magkapatid sa silid ng bahay ay kinuha ng nakatatandang kapatid ang Glock 23 (G23) pistol mula sa loob ng bag ng kanilang ama.

Bigla umanong pumutok ang baril at tumama ang bala nito sa pisngi na tumagos naman sa ulo ng bata.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit agad ding binawian ng buhay.

Samantala, patuloy pa rin sa kanilang im-bestigasyon ang mga awtoridad sa nasabing insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.