2-Anyos, Patay sa Sakal ng Ina

PALAISIPAN PA rin ang ginawang pagpaslang ng isang isa sa kanyang anak sa pamamagitan ng pagsakal sa huli sa bayan ng Basey, Samar.

Hiniling naman ng kaanak ng suspek na huwag nang isapubliko ang pagkakakilanlan ng 22-anyos na ina na residente ng Sitio Gagni, Brgy. Del Pilar, Basey, Samar.

Ayon kay PO3 Jerry Vargas, agad nagresponde ang Basey PNP kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos matanggap ang naturang report.

Dagdag pa ni Vargas, tikom din ang bibig ng mga kamag-anak ng nasabing suspek tungkol sa nangyari.

Sa ngayon, nakakulong na ang nasabing suspek sa Basey PNP at patuloy pang inaalam ng mga awtoridad kung ano ang nag-udyok sa kanya upang gawin ang nasabing krimen.

(S. CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.