2-Anyos, Nasagasaan, Patay

HINDI NA umabot pa ng buhay sa Duran Hospital ang dalawang taong gulang na batang babae matapos na masagasaan ng isang van sa Ligao, Albay.

Matinding tama sa ulo at katawan ang sinasabing ikinasawi ni Aicy Billones y Nebrea ng Burgos St., Brgy. Guilid, Ligao City.

Una rito, bandang ala-1:20 ng hapon nang matagpuan na lamang ng kanyang pamilya na nakahandusay na ang biktima matapos na mabundol ng Mitsubishi Delica jitney na may plakang EBH-610 at minamaneho ni Dandilo Sanitez y Gacayan, 34, residente ng Brgy. 46 Purok 5, San Joaquin, Legazpi City.

Naisugod pa sa pagamutan ang bata subalit idineklara na itong dead on arrival ng attending physician na si Josefina Belmonte.

Sa ngayon, hindi naman nagtagal sa piitan ang suspek matapos na makipag-areglo sa pamilya ng nasawing biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.