2-Anyos, Napatay sa Saksak ng Ina

PATAY ANG isang dalawang taong gulang na bata matapos saksakin ng kanyang sariling ina sa bayan ng Umingan, Pangasinan.

Isinugod sa pagamutan ang mag-inang Nelma Estacio at anak nitong si Jilhian Rose, ma-tapos kapwa nagtamo ng malalim na saksak sa kanilang tiyan. Subalit makalipas ang 12 oras ay binawian ng buhay ang bata.

Ayon sa pahayag ng Umingan-PNP, walang nakakita sa insidente dahil nasa kanilang paaralan ang iba pang anak nito habang ang asawa ay isang driver na umuuwi lamang makalipas ang dalawa hanggang tatlong araw.

Hinala ng mga kinauukulan, naglasing muna ang ginang bago saksakin ang anak, base na rin sa narekober na isang bote ng alak sa loob ng kanilang kubo gayundin ang nakuhang 15 pulgadang kutsilyo na ginamit.

Samantala, nasa panga-ngalaga na ng kanilang mga tiyahin ang iba pang anak ni Estacio.

Ayon naman sa ilang kaanak ng ginang, labis umanong dinaramdam ni Nelma ang sakit nitong anemia at ang matinding kahirapan kaya’t nagawa ang krimen sa sariling anak.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.