2-Anyos na Totoy, Natusta sa Sunog

NAGMISTULANG ULING ang isang 2-anyos na batang lalake makaraan masunog ang kanilang bahay sanhi umano ng napabayaang gasera sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Caloocan City Chief of Police P/Senior Supt. Rimas Calixto ang biktimang si Mark Joshua Sabado, 2 taong gulang, at residente ng # 617 Asitia St., 7th. Avenue, Brgy. 122, ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat ng nasabing himpilan ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi nang masunog ang tinutuluyang bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Nabatid na iniwan ng ina ng biktima na si Jonalyn Sabado, 21, ang sinidihan nitong gasera at iniwan ang kanyang anak at pagbalik ng ina sa kanilang bahay ay nilalamon na ng apoy ang kanilang bahay kung saan kasama ang anak nito na nilalamon na rin ng apoy.

Napag-alaman pa na ang bahay ng mag-ina ay may walang kuryente sa loob ng limang taon at tanging gasera ang kani-lang gamit upang magliwanag ang loob ng kani-lang bahay tuwing gabi.

Sa kasalukuyan, inaalam pa ng Caloocan City Fire Department ang halaga ng natupok na bahay.

 (ROMAN MAGPOC)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.