2-anyos na paslit, nalunod sa kanal

LABIS ANG PAGDADALAMHATI ng isang ina makaraang umuwi at madatnang bangkay na ang kanyang dalawang taong gulang na anak na lalaki makaraang malunod sa kanal sa General Santos City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nakilala ang biktimang si Ken Arante Sakido, ng Purok Masunurin, Barangay San Isidro, General Santos City.

Ayon sa ina ng bata na si Amelita, 22 anyos, iniwan niya ang kanyang anak sa kanilang kapitbahay na isa ring bata na 7 anyos upang bumili ng ulam, subalit ikinagulat nito na wala sa loob ang kanyang anak at natagpuan sa irrigation canal na patay na.

Sinasabing ang walang buhay na biktima ay natagpuan ng isang Aldrin Madelo, 24, residente sa Lagao, at sa imbestigasyon ng SOCO, posibleng namatay umano ang biktima sanhi ng pagkalunod. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.