2 Anak ng Babaeng Nag-Japan, Nabawi sa Pinag-iwanan

LAKING PASASALAMAT ng babaeng nag-Japan matapos mabawi ang dalawang anak na paslit sa pinag-iwanan na ina ng dating ka-live-in sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Sa pahayag ni Emielou Shinoda, nagpunta siya sa Japan hanggang sa makakilala at makapa-ngasawa ng Hapon.

Matapos magkaanak ng dalawa ay nagbakasyon si Shinoda sa Pilipinas, kung saan pansamantalang nakituluyan sa bahay ng dating ka-live-in na Edgar Dantes sa Del Mundo St., Ugong ng lungsod.

Noong nakaraang Nobyembre 2012, napilitang bumalik ng Japan si Shinoda at naiwan ang kanyang anak na lalaki na edad 3 at 1 taon at siyam na taon na babae sa nanay ni Dantes na si Herminia.

Nitong Abril, nagbalik sa Pilipinas si Shinoda at agad na pinuntahan ang mga anak subalit hindi na ipinakita ni Herminia.

Humingi ng tulong sa mga pulis si Shinoda, at kasama ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development ay pinuntahan ang bahay ni Herminia dakong alas-5 ng hapon.

Kinausap ng mga pulis at DSWD si Herminia hanggang sa makumbinsing ilabas ang mga bata at ibigay kay Shinoda.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.