2 Anak, Ginawang Parausan ng Ama

KULONG ANG isang overseas Filipino worker matapos ipakulong ng kanyang asawa nang madiskubre ng huli ang ginawang pang-aabuso sa dalawang anak na babae sa Brgy. Sumapa, Malolos City.

Base sa ulat na pinadala kay Bulacan Police Director Sr. Supt. Joel Orduna, kinilala ni Malolos Police chief Supt. Dave Poklay ang suspek na si Romeo Abes, Jr., 46 anyos, tubong Nueva Ecija, isang seaman at residente ng nabanggit na barangay.

Samantala ang mga biktima naman ay itinago sa mga pangalang Leny, 15; at Madel, 13.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni PO2 Cris Crizaldo, officer on case, dakong alas-9:20 ng gabi noong Sabado nang arestuhin ang suspek sa kanilang bahay.

Ayon sa ulat na nakalap ng Pinoy Parazzi, nasa edad walong taon at anim na taon ang magkapatid nang simulan silang molestiyahin ng kanilang ama sa pamamagitan ng paghawak sa maseselang bahagi ng kanilang katawan.

Lumitaw sa salaysay ni Leny, panganay na anak ng suspek, walong taon pa lamang siya noong simulang gahasain ng kanyang ama habang anim na taong gulang ang nakababatang kapatid nang utusan ng ama na i-masturbate ang ari nito.

Ayon sa magkapatid, nagaganap ang pang-aabuso sa kanila tuwing babalik ito sa Pilipinas galing sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Labis ang takot ng magkapatid dahil sa pinagbabantaan umano sila ng kanilang ama na sila ay papatayin maging ang kanilang buong pamilya ‘pag may nakaalam ng ginagawa nito.

Dagdag pa ng magkapatid na pinapanood muna sila ng bold movies bago sila halinhinang gahasain ng kanilang manyakis ama.

Naganap naman ang huling pang-aabuso sa panganay na anak nito lamang Setyembre 4, 2013 sa kanilang bahay.

Dito na naglakas ng loob ang panganay na anak na magsumbong sa kanyang ina na nagtulak naman dito upang ipaaresto at ipakulong ang mister.

Kasalukuyang nakadetine ang suspek sa Malolos City Jail at naka-takdang kasuhan ng Acts of Lasciciousness in relation to RA 7610 at Incestuous Rape.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.